Mga Kasagutan

So, hello folks! I was surprisingly nominated by Kuya Jheff in this Sunshine Blogger Award. Since the questions are in Tagalog, I might as well answer in Tagalog din. So if there are non-Tagalog readers out there, I’m sorry if you will not understand everything that follows.

Ok. Ayan. Simulan na natin. Trabahuhin muna natin yung mga backlogs natin dyan. Ang tagal na nito sa drafts ko. Haha. Anyway, hindi na ako mag-nominate mga kyaah at teh ha.


1. Mas pipiliin mo ba ang trabaho na malaki ang sahod pero stressful, o maliit ang sahod pero walang stress?

– Pipiliin ko po yung pangalawang sitwasyon. Hindi po ako nagpapaka-ipokrito sa sagot kong yan pero talagang mas ok na po sa akin na may peace of mind ako. Nakakatulog ng di masyadong madaming isipin. Walang anxiety attacks. May time to make art. May time for family. May time for friends. At sapat naman ang sahod. Kesa dun sa malaki nga yung sahod pero araw-araw mo din namang iniisip na gusto mo na magresign. Hehe.

Pero ang take ko po kasi dito eh iba naman po yung “challenging” yung work sa “stressful” yung work. Hee.

2. Dapat ba na ang mag-jowa/mag-asawa alam ang password ng kanya-kanyang Facebook account?

– Bilang di ko pa po yan naexperience at wala po akong basehan sa ganyan eh tungkol po ito sa trust issues diba? Pero sa akin po kasi ay ayos lang kung hindi nila alam password ng isa’t-isa at ayos din lang din naman na alam nila. Basta napag-usapan nilang dalawa yon. Kasi kung may balak humarot yung maalin sa kanila, kaya nilang gawin yon sa ibang Facebook account regardless kung binigay man nila yung password dun sa sinasabi nilang “account” nila.

3. Kung may body odor or bad breath ang kaibigan mo, paano mo siya sasabihan nang hindi siya mao-offend? O hindi mo na lang sasabihin sa kanya?

– Uhm. Ang hirap naman nito. Kung kilala niyo po ako, alam niyong hindi ko ito sasabihin sa kanya. Haha.

4. Ano ang iyong kahinaan?

– Sobrang concerned ako kung paano ako nakikita ng ibang tao.

5. Kung galit ka sa isang tao, ano ang dapat niyang gawin para mawala ang galit mo sa kanya?

– Hmmm. Di pa yata ako nagalit ng sobra na kinailangan nila mag-effort para mapatawad ko sila. Hanggang tampo-tampo lang kasi ako. Tapos ako pa yung tipo na shunga-shunga din kasi kausapin lang ako eh ok na ako. Hahaha.

6. Ano ang “craziest” thing na nagawa mo sa ngalan ng pag-ibig?

– Yung hinabol namin sya ng mga kapatid ko kung saan man sya magpunta nung January 18, 2015. Pinuntahan namin sya sa UST. Tapos nung pumunta sya sa Luneta wala talaga kaming masakyan kaya naglakad kami from UST to Isettan tapos nagtricycle kami para habulin sya sa Luneta. Tapos naglakad kami papunta sa tinitirhan niya sa may Taft. Tapos naglakad kami ulit from Taft to Buendia para naman makauwi. Nasulyapan ko naman sya kaya worth it naman. Partida pa ha, lahat yan ginawa namin habang umuulan. Ganyan namin kamahal si Pope Francis talaga!

7. Ano ang mas masakit na klase ng break-up, yung dahil sa third party? O dahil hindi kayo itinadhana?

– Hirap ga nareng hindi pa nakakaranas umibig at masaktan. Kainaman din nga. Yung una po kasi, by choice. Yung pangalawa naman, by chance. Para sa akin pareho silang masakit pero parang mas masakit sa akin yung may third party kasi it’s something na deliberately done. Kapag si tadhana po kasi, in time marerealize mo din kung bakit hindi talaga kayo itinadhana sa isa’t isa. Yung sa may third party po kasi marerealize mo na bwakananginamo talaga yung isa kasi pinili ka niyang saktan. Pero dahil di ko pa naman naranasan yan baka iba sya kapag naranasan na talaga. Pero naniniwala po kasi ako na people meet by chance pero staying together is a mutual choice. Kaya siguro ganon yung pananaw ko dyan.

8. Anong pelikula ang tumatak at nagkaroon ng malaking epekto sayo?

– Dami nito mga bes! Sobrang sinaktan ako ng If Only. Pati din ng A Star is Born. Tsaka ng Call Me by Your Name. Sobrang nainspire naman ako ng Wonder. Pati ng Before Series. Actually pati ng Bohemian Rhapsody at ng Spirited Away. Sobrang mahal ko naman yung Alaska. Tsaka Pride and Prejudice. Tsaka Little Women. Ang dami ko namang emosyon sa Schindler’s List. Tapos sobrang feel-good ng Stardust.

9. Kung magsusulat ka ng libro na babasahin ng lahat, ano ang mensahe mo sa mundo?

– Hmmmm. Siguro that we are all a work in progress. Anumang edad na natin.

10. Sino ang taong nag-iwan ng marka sa buhay mo at bakit?

– Si Yolanda. Nakalimutan ko na apelyido niya pero sya yung unang client na tinungayaw ako ng harapan. Hindi ako umiyak sa harap niya. Umiyak yata ako sa nanay ko pag-uwi kasi ang sama ng loob ko talaga. Haha. Doon ko po narealize na wala sa pinag-aralan ang manners talaga ng tao. Electrical engineer pa naman sya.

11. Meron ka bang pinagsisisihan sa buhay?

– Not exactly pinagsisisihan. Nakakapaisip lang what-if. That’s not regret naman diba.

12. Anong legacy ang gusto mong iwan sa mundong ito?

– Currently wala. Andito ako sa phase kasi na alam ko namang kapag nawala ako, lahat ng kakilala ko na makakaalala sa akin eh mawawala din naman. I don’t think I am significant enough to warrant such thing as legacy. Gusto ko lang mabuhay ng tama at magmahal ng lubos. Luh!

13. Ano ang pinakamahalagang aral ang natutunan mo sa buhay?

– Na madami pa akong matututunan.

14. Kung may isang bagay na pwede kang baguhin sa iyong nakaraan, ano ito?

– Wala naman. Kasi kapag may binago ako kahit konti lang sa nakaraan ko, nararamdaman kong hindi ko sana sinasagutan ang tanong na ito ngayon.

15. Saan ka mas naniniwala, sa destiny or sa free will?

– Iiiih. Ito po yung hanggang ngayon pinagdedebatehan pa ng right side at left side ng brain ko eh. So wala pa talaga akong sagot dito.


So ayan. Di ko alam kung may nahita kayo dito o ano. Haha.

10 thoughts on “Mga Kasagutan”

  1. Hahaha napaka entertaining nito infairness 😄 Agree talaga ako sa number one and #2. Same tayo sa #3 at #4 shet (lately ko din na realize yun – parang Taylor Swift peg natin reputation pak). Nakakatuwa ang #6, kala ko pang kdrama hahah. Masakit pareho ang #7 pero tama ka naman. Galing ng pag explain tagos sa puso. At luhhh yung last, hindi ko rin alam. Hahah Parang mixture of both.

    Liked by 1 person

  2. Wow, salamat sa pagsagot Krishel! Kakatuwa basahin ang mga opinyon nyo sa mga tanong ko. Heheh.. Same tayo ng opinyon sa #1. At yung #15, ang hirap sagutin noh? ☺

    Like

      1. Actually hindi ko nga din alam eh, kaya isinama ko talaga sya sa tanong ko. Heheh.. Pero parang lamang ng konte yung destiny sakin, though depende pa din sa sitwasyon yun. Basta yun, medyo mahabang diskusyon ‘tong topic na ‘to eh. ☺

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s